nuclear family (nuk•le•yár fá•mi•lí) : pamilyang binubuo ng mag-asawa at ng kanilang mga anak at ampon
family (fá•mi•lí) 1: mag-ának 2: ang pangunahing subdibisyon ng isang order o suborder sa klasipikasyon ng mga halaman, hayop, fungus, at iba pa, karaniwang binubuo ng iba’t ibang genus
nuclear fusion (nuk•le•yár fyú•syon) : reaksiyong thermonuc-lear na ang mga magaang nuclei ay nabubuong mga mabigat na nuclide
nuclear fission (nuk•le•yár fí•syon) : paghihiwalay ng mabi-bigat na nuclide upang maging maga-ang atom, radyoaktibong particle, at nagbibigay ng enerhiyang nuklear
nuclear change (nuk•le•yár tseyns) : pagbabago sa nucleus ng atom para mabuo ang higit na ma-gaan na nuclide mula sa mabibigat na nuclide o ang kabaligtaran nitó
natural family planning (na•tyu•rál fá•mi•lí plán•ning) : kontrasepsiyon sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lapot o labnaw ng hima ng babae at nang maiwasan ang panahon na maaaring mabuntis